DENUCLEARIZATION | U.S. President Donald Trump, pinatitigil na ang joint military exercises nito kasama ang South Korea

47

Pinatitigil na ni U.S. President Donald Trump ang mga military exercises nito kasama ang South Korea.

Ito ay matapos ang makasaysayang pagpupulong nila ni North Korean Leader Kim Jong-un sa Singapore.

Ayon kay Trump, napakagastos at ‘very provocative’ ang regular na military exercises nito kasama ang SoKor.

Ani Trump, hiniling ng NoKor ang pagpapahinto sa mga isinasagawang war games.

Sa joint statement, nangako si Trump at Kim ng denuclearization sa Korean Peninsula.

Facebook Comments