Denver Nuggets, panalo kontra Los Angeles Lakers sa Game-3 ng NBA Western Conference Finals

48

Hindi pinaporma ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers sa kanilang laban sa Game-3 ng Western Conference Finals ng NBA.

Tinalo ng Nuggets ang Lakers sa score na 114-106 kung saan nanguna sa panalo si Jamal Murray na may 28-points at 12-assist.

Hindi naman umubra ang triple-double ni Lebron James ng Lakers na nakagtala ng 30-points, 11-assists at 10-rebounds para masungkit sana nila ang panalo.

Sisikapin naman ng Denver na maitabla ang serye kontra lakers sa game-4 na mapapanood sa Biyernes (September 25, 2020) sa ganap na alas-9:00 ng umaga.

Facebook Comments