Department of Agriculture magbibigay ng tulong pinansyal sa mga magsasakang nasalanta ng bagyo

Tiniyak ng Department of Agriculture na may nakahandang Emergency Financial Assistance Fund para sa mga magsasaka sa Ilocos Norte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na papautangin ng ahensya ang mga magsasaka ng aabot sa P25,000 na babayaran sa loob ng 3 taon at walang magiging interes.

Dagdag nito manggagaling sa Survival and Recovery Assistance Program ng DA ang pondo para rito.


Aniya layunin ng naturang programa na mabigyan ng agarang tulong at mapanatili ang produksiyon ng mga magsasaka sa buong probinsya.

Facebook Comments