Department of Agriculture – naka-handang magbigay ng tulong pinansyal sa mga apektadong poultry owners

28

Nakahanda ang Dept. of Agriculture na magbigay ng pinansyal na tulong sa mga poultry owners na apektado ng bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.

Kasunod ito ng utos ng Agriculture Department na pagpatay sa halos 200,000 manok na apektado ng avian influenza subtype H5.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, layon nitong mapigilan ang paglawak ng problema at hindi na makakahawa sa mga tao.

Kaugnay nito – tiniyak ng kalihim na nakahanda ang gobyerno na magbigay ng loans sa mga poultry owners para makabangon.

Facebook Comments