Department of Agriculture, susunod na paiimbestigahan ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng korapsyon

101

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sunod niyang ipapasilip sa Department of Justice (DOJ) ang umano’y korapsyon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon sa Pangulo, ilan sa mga sumbong na nakararating sa kaniya ay ang umano’y pananamantala ng ilang mga negosyante sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pambabarat sa presyo ng palay.


Kamakailan ay isiniwalat din ni Agriculture Secretary William Dar na may nagmamanipula ng suplay sa frozen pork.

Giiit ni Pangulong Duterte, walang exemption sa alinmang ahensya ng gobyerno na iimbestigahan ng DOJ laban sa katiwalian, kasama na rin maging ang mga pribadong indibidwal.

Facebook Comments