Department of Agriculture, tiniyak na tutulungan ang mga negosyanteng maapektuhan ng bird flu outbreak sa Pampanga

41

Handa naman ang Department of Agriculture na tulungan ang maapektuhang negosyante dahil sa bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol – babayaran ang may-ari ng bawat fowls na kakatayin sa halagang P80 kada isa.

Nagpasalamat naman si San Luis Mayor Venancio Macapagal sa tulong na ibibgay ng DA.

Gayunman, magbibigayng tulong ang gobyerno matapos na matiyak na 100 percent clear na sa bird flu virus ang mga apektadong lugar para makabangon ang mga poultry farmers.

Facebook Comments