Department Of Education, Malamya Sa Plano Ng Doh Na Mamahagi Ng Condom Sa Mga Estudyante

24

MANILA – Umapila ang Department of Education kay Health Secretary Paulyn Ubial na pag-aralan pang maigi ang balak na mamudmod ng condom sa mga mag-aaral.Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nagkaka- HIV/AIDS na Filipino at kabataan.Pero ayon kay Education Spokesman Asec. Tonisito Umali, maaaring hindi maging maganda ang epekto nito sa ibang mag-aaral.May ibang estudyante ang maari aniyang maintindihan agad ang programa ng Depatrment of Health (DOH) pero tiyak na may estudyanteng iba ang maging tanggap nito sa nasabing kampanyaInihayag ni Umali na tiyak na ang unang tanong ng mag0aaral ay kung paano niya gagamitin ang condom kung saan baka mas lalo itong mag-udyok sa kabataan na subukan ang pakikipagtalik sa murang edad.Hindi rin inaalis ng DepEd ang posibilidad na umalma ang ilang magulang lalo na ang mga pamilyang maayos namang pinalaki ang kanilang mga anak.

Facebook Comments