Department of Education – naghahanda na para sa “2017 Oplan Balik Eskwela”

107
Manila, Philippines – Ngayon pa lang naghahanda na ang Department of Education para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

 

Kasunod na rin ito ng inilabas na isang memorandum ng kagawaran noong March 17 para sa paglulunsad ng kanilang 2017 Oplan Balik Eskwela.

 

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, magsisimula ang Oplan Balik Eskwela sa Mayo 29 hanggang Hunyo 16 para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang pagbubukas ng klase.

 

Maliban dito, plano rin ng DEPED na magtayo ng public assistance stations na layong matugunan ang mga karaniwang problemang kinakaharap tuwing pasukan.

 

Nais ng ahensya na matiyak na magiging maayos ang pag-eenroll ng mga estudyante at makapasok agad ang mga ito sa unang araw pa lamang ng klase.

 


Facebook Comments