Department of Education – nagpaalala para sa early registration para sa school year ‎2017-2018

Manila, Philippines – Ngayon pa lang ay nagpa-alala na ang Department of Education sa mga magulang na maagang magpalista para sa school year ‎2017-2018.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones – ito ay mabigyan ng sapat na panahon ang ahensya para malutas ang mga problema bago ang pasukan sa Hunyo 5.

Maliban dito, makaka-iwas din aniya ang mga magulang sa mahabang pila ng enrollment.


Samantala, nanawagan din ang kalihim sa bawat komunidad na makiisa sa taunang brigada eskwela ng DePed na magsisimula sa Mayo 15 na layong ihanda at linisin ang mga paaralan para sa muling pagbubukas ng klase.
Nation

Facebook Comments