Department of Foreign Affairs – kinumpirmang walang nadamay na Pinoy sa suicide bombing sa Pakistan kung saan 80 ang nasawi

Pakistan – Kinumpirma ngayon ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipinong nadamay sa magkahiwalay na pagsabog sa pakistan noong Biyernes.

Nabatid na mahigit 80 katao ang nasawi sa suicide car bombing sa lungsod ng Quetta at Twin Blasts sa bayan ng Parachinar.

Patuloy namang mino-monitor ng Philippine Embassy sa islamabad, ang sitwasyon sa Pakistan.


Pinapayuhan din ng embahada ang mga Pilipino sa Pakistan na makipag-ugnayan sa kanila sakaling mangailangan ng tulong.

Nagpa-abot na ng pakikiramay ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga kaanak ng nadamay sa terror attacks.

Facebook Comments