Department of Foreign Affairs, tiniyak na walang Pilipinong nadamay sa aksidente sa New York Times Square

30

Manila, Philippines – Sinigurado ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipino na nasugatan o nadamay sa pag-araro ng isang kotse sa New York Times Square na sikat na tourist destination sa Manhattan.

Matatandaang isa ang namatay at mahigit dalawampu ang nasugatan sa insidente na hindi naman itinuturing na terorismo ng mga otoridad.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang impormasyon na walang kasamang Pinoy sa insidente ay mula sa consulate general ng bansa sa New York.

Anila, nakikipag-ugnayan na rin ang consulate general sa mga otoridad sa New York at handa itong tumulong sakaling may naapektuhang Pinoy.

Ayon sa ulat, inararo ng isang honda sedan ang mga pedestrian sa sidewalk saka ito tumama sa poste sa kanto ng 45th street at broadway.
DZXL558

Facebook Comments