Department of Health, nilinaw na walang cholera outbreak sa mga evacuation center

110

Iligan City – Nilinaw ng Department of Health na walang cholera outbreak sa mga evacuation center at home based internally displaced person o IDP’s partikular na sa Iligan City.

Paglilinaw ng DOH – dalawang kaso lamang ang naitala nila kabilang na dito ang isang taong gulang at isang taong gulang na bata.

Parehong nakaramdam ng pagsusuka, pagtatae at pananakit ng tyan ang mga bata.


Agad naman dinala ang mga ito hospital para malapatan ng lunas at kaagad na nadischarge.

Kasabay nito – patuloy din ang pagbibigay ng tulong medikal ng DOH sa mga bakwit para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments