Department of Justice, dinipensahan si Solicitor General Jose Calida sa pagkaka-acquit kay pork barrel queen Janet Napoles

79

Manila, Philippines – Walang kahit anumang kaugnayan si Solicitor General Jose Calida sa pagkaka-absuwelto kay pork barrel queen Janet Lim Napoles sa kasong illegal detention.

Sabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, simple lang naman ang dahilan ng pagkaka-acquit kay Napoles at ito ay dahil hindi naging sapat ang mga ebidensya para patunayang may naganap na illegal detention.

May sarili aniyang proseso at kredibilidad na sinusunod para dito at walang anomang bahaging ginampanan dito ang Solicitor General.

Samantala, iginiit rin ni Aguirre na wala itong kinalaman sa kasong pandarambong na kinakaharap ni Napoles na may kinalaman naman sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund o PDAF.

DZXL558

Facebook Comments