Department of Justice, nagtalaga ng bagong officer-in-charge sa Cagayan De Oro City Prosecutor’s Office

161

Cagayan De Oro, Philippines – Nagtalaga na ng bagong Officer-In-Charge o OIC sa Cagayan De Oro City Prosecutor’s Office ang Department of Justice o DOJ.

Simula kahapon si dating Pangasinan Provincial Prosecutor Abraham Ramos na ang itinalagang OIC sa City Prosecutors Office.

Pinalitan ni Ramos si prosecutor Merlyn Uy kung saan simula ngayong araw ay babalik na siya sa Regional Prosecutor’s Office bilang Senior Assistant Regional Prosecutor.

Ayon kay Uy, wala siyang magawa dahil ito ang utos ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II.

Matandaan na inilagay si Uy bilang OIC sa City Prosecutor’s Office noong Agosto ng nakaraang taon kung saan pinalitan niya si dating City Prosecutor Fidel Macauyag.

DZXL558

Facebook Comments