Department of Tourism, naghahanda na sa pagbubukas ng lalawigan ng Camiguin sa turismo; pagbabakuna sa mga tourism worker, puspusan

63

Puspusan ang ang pagbabakuna ng Department of Tourism (DOT) katuwang ang Local Government Unit (LGU) ng Camiguin sa mga tourism worker.

Ito’y upang higit na mapalakas ang mga prospect ng pagbangon ng industriya para sa muling pagbubukas nito sa Oktubre 25.

Ito rin ang magiging kauna-unahang pagbubukas ng lalawigan sa mga bisita mula nang magsimula ang pandemya.


Nagpahayag ng pasasalamat si Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa mga opisyal ng Camiguin LGU at iba pang partners sa kanilang suporta sa pagsisikap ng Kagawaran na protektahan ang tourism frontliners.

Ayon sa kalihim, sa pamamagitan ng isang malusog at 100 porsyento na protektadong trabahador, umaasa ang Kagawaran na mas matututukan ang mga gawain sa pagbangon, at maibalik ang kasiyahan sa turismo sa Camiguin.

Ayon sa kalihim, ang mga manggagawa sa turismo mula A1 classification sa buong Region 10 ay fully vaccinated na.



Sa kabila ng pagiging isang maliit na lalawigan, ipinagmamalaki ng Camiguin ang malawak na tourist attractions kasama na ang ASEAN Heritage Park Mt. Timpoong-Hibok-Hibok mountain range, white island beaches tulad ng Mantigue Island, mga diving spots, natural hot and cold springs, waterfalls at ang taunang pagdiriwang sa thanksgiving para sa pag-aani ng pinakatanyag na prutas na lansones sa isla, na popular sa mga foreign at local tourist.

Facebook Comments