Department of Tourism, nakakuha ng pinakamataas na rating mula sa Commision on Audit

57

Nakakuha ng pinakamataas na rating ang Department of Tourism (DOT) mula sa Commission on Audit (COA) sa ikalawang magkasunod na taon.

Ito ay matapos ang anunsyo ni DOT Secretary Berna Romulo-Puyat na nakatanggap ang ahensya ng unqualified opinion sa fiscal year nitong nakaraang taon kabilang na rin noong 2019.


Paliwanag ng ahensya, mula noong 2018 ay striktong sinusunod na ng DOT ang mga batas at panuntunan upang masigurado ang accountability at transparency sa kanilang mga operasyon partikular na ang pamamahala ng limitadong financial resources.

Nabatid na huling nakakuha ng pinakamataas na rating ang DOT noong 2009.

Facebook Comments