Department of Tourism, tiniyak sa Kamara ang kahandaan sa pagluwag ng restrictions ng mga LGUs

47

Handang-handa na ang Department of Tourism (DOT) sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga tourist destinations.

Ito ay kasunod na rin ng pagluwag sa restrictions sa pagpasok sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) at pagtatanggal ng mga mahihigpit na requirements sa pagpasok sa mga tourist spots sa bansa.


Sa pagdinig ng Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle, sinabi ni Tourism Undersecretary Roberto Alabado III na inaasahan na nila ang pagtaas ng bilang ng mga domestic tourists sa bansa dahil sa pagbubukas ng mga LGUs.

Magkagayunman, tiniyak ni Alabado na habang nasa ilalim ng mahigpit na quarantine ay kumikilos ang mga rehiyon sa pag-develop ng kanilang mga bagong tourism products.

Tiniyak naman ng opisyal na binigyan ng sapat na guidance ang mga rehiyon sa pagdevelop ng mga bagong tourism products bago pa man ang pagluwag ng mga community restriction.

Siniguro naman na ang mga tourism products na makikita sa bawat rehiyon sa bansa ay resilient sa anumang banta ng kalamidad, kumikilala sa kahalagahan ng komunidad at mga indigenous people, magbibigay proteksyon at pag-iingat sa mga natural assets ng lugar at higit sa lahat ikatutuwa ng mga mamamasyal.



Facebook Comments