Department Order na nagbabawal sa endO sa bansa, welcome sa Malacañang

19

Manila, Philippines – Welcome sa malakanyang ang paglalabas ng Department of Labor and Employment ng Department Order na nagbabawal sa endO o end of contract sa bansa.

 

Matatandaang naglabas ng Department Order #174 ang DOLE na nagreregulate sa contracting at subcontracting ng mga empleyado.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, isa lang ito sa mga katuparan ng mga ipinangako noong panahon ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

 

Binati rin ni Abella ang DOLE sa pagtatrabaho para maipatupad ang ipinangako ng Pangulo.

 

Binigyang diin ni Abella na gagawin ng administrasyong Duterte ang lahat para matiyak na magiging makatao ang working conditions sa bansa at maging patas sa employers at manggagawa.

 

Umaasa naman ang palasyo na tatalima ang 1mga negosyante sa inilabas na kautusan ng DOLE.

Facebook Comments