DepEd at pribadong sektor, nag-uugnayan na sa paglutas sa overcrowding at sa pagpapaangat sa kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral

Pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang partnership nito sa pribadong sektor.

Partikular na isinusulong ng DepEd ang Public-Private Partnership na magbubukas ng maraming oportunidad sa pribadong sektor.

Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, bumubuo na ng 3-year action plan ang DepEd katuwang ang Private Education Assistance Committee (PEAC) para sa Public-Private complimentary.

Layon aniya nito na matugunan ang mga hamon sa edukasyon tulad ng overcrowding at ang pag-aangat sa kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral.

Gayundin para maipatupad ang 5-point reform agenda ng pamahalaan.

Facebook Comments