DepEd enrollees, mahigit 19-M na

41

Lampas 19 na milyon na ang mga estudyanteng nag-enroll mula Kindergarten hanggang Grade 12 para sa school year 2020-2021.

Base ito ng datos ng Department of Education (DepEd) mula June 1 hanggang ngayong araw.


Sa nasabing bilang, 18,148,950 ang nag-enroll sa mga public school habang 925,742 sa private schools.

Pinakamaraming bilang ng enrollees ay naitala sa CALABARZON (2,567,831) sinundan ng Central Luzon (2,022,226) at National Capital Region (2,002,880).

Facebook Comments