DepEd, inanunsyo na ang venue para sa susunod na Palarong Pambansa

 

Matapos ang Palarong Pambasa 2019 sa Davao City, inanunsiyo ngayon ng Department of Education o DepEd ang susunod na venue ng naturang palaro.

 

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, magiging host ng Palarong Pambansa 2020 ay ang probinsiya ng Occidental Mindoro.

 

Ito’y matapos na magdesisyon ang mga miyembro ng palaro board sa pangunguna ni Secretary Briones kung saan kanilang pinag-usapan ang report matapos ang isimagawa nilang inspkesyon sa Occidental Mindoro.


 

Nabatid kasi na bukod sa Occidental Mindoro, kasama din sa pinagpilian na pagdadausan ng Palarong Pambansa ay ang Negros Occidental, Capiz, Puerto Princesa City at Marikina City.

 

Ilan sa mga ikinunsidera ng mga miyembro ng palaro board ay ang sports venue, mga tutuluyan ng mga manlalaro, peace and order, oportunidad na mapalago ang socio economic at kultura bukod pa sa kapasidad ng lokal na pamahalaan para mapaganda ang kanilang sports facilities.

Facebook Comments