DepEd, inilunsad ang vaccination info campaign

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang programang “Vacc2School: Ligtas na Bakuna, Para sa Balik-Eskwela!”

Ayon kay DepEd secretary Leonor Briones, layon nito na mabigyan ng sapat at tamang impormasyon ang kanilang mga kawani kaugnay sa national vaccination rollout.

Sa nasabing programa, gagawa ang ahensya ng iba’t ibang kapamaraanan upang maipalaganap ang tamang impormasyon tungkol sa bakuna kontra COVID.


Kabilang dito ang pagpapakilala ng mga cartoon character ng ahensya na sina Teacher Edna, Doctor Edu, Kaye at Sean na magbibigay impormasyon sa nakakahikayat na paraan.

Kasabay nito, hinikayat ng kalihim ang mga kawani ng kagawaran lalo na ang mga guro na makibahagi sa kampaniya bilang paghahanda sa pagbabalik sa mga paaralan.

Facebook Comments