DepEd ipina-uubaya na sa DOH kung saang mga pampublikong paaralan sa Metro Manila ang gagawing temporary isolation facilities

75

Nasa kamay na ng Department of Health (DOH) kung anong mga paaralan sa Metro Manila ang maaaring i-convert bilang isolation o quarantine facility.


Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi kasi lahat ng paaralan ay akma o angkop para maging isolation facility.

Paliwanag nito, mayroong standards na dapat sundin sa pagko-convert ng paaralan para maging isang quarantine facility.

Ilan aniya rito ay hindi dapat crowded o malayo sa komunidad, mayroong maayos na suplay ng tubig, malapit sa health care faciltiy o ospital at dapat malaki ang paaralan.

Una nang sinabi ng Palasyo na 50% ng mga pampublikong paaralan sa Metro Manila ay na-convert na bilang temporary quarantine facilities.

Game changer na maituturing ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang nasabing hakbang dahil maraming may mild symptoms ng COVID-19 at mga asymptomatic ang pwedeng dalhin sa mga nai-convert na paaralan bilang quarantine facilities.

Sa pagtaya ng DepEd, nasa higit 17,000 classrooms o katumbas ng nasa 80,000 bed capacities ang nai-convert bilang mga isolation facilities.




Facebook Comments