DepEd, maglalabas ng malinaw na panuntunan sa home schooling

717

Maglalabas ang Department of Education (DepEd) ng malinaw na guidelines para sa homeschooling bago magsimula ang klase sa October 5.


Inaasahan ng kagawaran na mas pipiliin ng mga magulang o guardian ang homeschooling bilang alternative learning delivery modality para sa kanilang mga anak sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, marami silang natatanggap na reklamo hinggil sa homeschooling kaya kailangan nilang baguhin ang mga panuntunan nito.

Kung dati aniya, ang mga magulang ang natuturo sa kanilang mga anak sa bahay pero sa panahon ngayon ay maaaring ibang tao na ang nagtuturo.

Sinabi ni Briones na ang mga batang sasailalim sa homeschooling ay kailangang dumaan sa assessment kung nais nilang i-angat ang kanilang learning levels.

Ang DepEd Management Committee (ManComm) ay kasalukuyang tinatalakay ang guidelines na ilalabas para sa homeschooling.

Facebook Comments