DepEd, magpapatupad ng random drug test sa mga estudyante at mga guro kasabay ng pasukan

44

Manila, Philippines – Kasabay ng pasukan mahigpit ng ipapatupad ng Department of Education ang random drug test sa mga estudyante at mga guro.

Kasunod na rin ito ng nakasaad na mandato ng DepEd na dapat lahat ng mga pampublikong senior high school at mga guro ay sumailalim sa gagawing random drug test.

Bunsod nito, inaayos na ng DepEd ang pakikipagtulungan sa Department of Health para sa pagsisimula ng random drug test sa mga paaralan ngayong pasukan.

 

Facebook Comments