DepEd, may pakiusap sa mga magulang na turuan ang bata na maging matapat ngayon ipaiiral ang distance learning

4250

Umapela ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga magulang at guardian ng mga bata na papasok ngayong taon na ipakita sa mga batang mag-aaral ang kahalagahan ng pagiging matapat.

Ayon kay Diosdado San Antonio, DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction, aminado sila na posibleng mandaya ang isang bata sa kaniyang mga takdang-aralin kung sa bahay lang ito mag-aaral.

Hindi rin ito maiiwasan sa panahon na ipatutupad na ang distance learning para sa School Year 2020-2021.

Kaya naman, payo niya sa mga magulang na ito na ang magandang pagkakataon upang turuan ang mga bata ng right values ng kanilang mga magulang at huwag iasa sa paaralaan o guro ang pagtuturo ng values education.

Pero giit niya, nalalaman naman ng mga guro kung ang isang assignment ng isang bata ay ginawa mismo ng mag-aaral o hindi.

Facebook Comments