DepEd, nagbabala laban sa mga gumagamit sa pangalan ng kagawaran para sa donation scam

139

Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko laban sa mga grupong ginagamit ang pangalan ng ahensya, mga opisyal at tauhan nito para manghingi ng donasyon.

Ito ay makaraang makatanggap ng ulat ang DepEd na may gumagamit sa pangalan ng kagawaran at mga opisyal nito kabilang si Secretary Leonor Briones para sa donation scam.


Iniimbestigahan na rin ng DepEd ang mga nasabing ulat.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na kung maka-engkwentro ng kahina-hinalang trasaksyon ay agad itong iulat sa DepEd Central Office sa pamamagitan ng sumusunod na contact details:

  • (02) 8636-1663
  • (02) 8633-1942
  • depedactioncenter@deped.gov.ph
Facebook Comments