Nagpadala na ang Department of Education (DepEd) ng team na susuri sa mga paaralan at pasilidad matapos ang malakas na lindol kaninang umaga sa Davao Oriental today.

Partikular na inactivate ng DepEd ang kanilang Disaster Risk Reduction and Management teams, at ang Rapid Assessment of Damages Report (RADaR) para mangalap ng mga impormasyon hinggil sa kundisyon ng mga eskwelahan at mga pasilidad.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Education Department Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of the Interior and Local Government (DILG), at ilang ahensya ng pamahalaan para sa mabilis na pagtugon sa rehabilitation efforts sa mga napinsalang paaralan.

Nakikipag-ugnayan din ang DepEd sa Office of Civil Defense (OCD) para sa mga update ng sitwasyon sa ground lalo na’t nagpapatuloy pa ang aftershocks.

Facebook Comments