DepEd, nagpalabas na ng screentime guidelines kaugnay sa online learning

76

Nagtakda na ang Department of Education ng bilang ng oras na dapat gugulin ng mga estudyante sa paggamit ng gadget ngayong ipinatutupad ang online learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Batay sa department memorandum, ang mga sumusunod na screentime ay:


Kinder – isang oras
Grades 1 hanggang Grade 5 – isa at kalahating oras
Grades 6 hanggang Grade 8 – dalawang oras
Grades 9 hanggang Grade 12 – dalawang oras sa umaga at dalawang oras din sa hapon.

Ang screentime guidelines ay ibinase sa american academy of pediatrics at world health organization (who).

Una nang inihayag ng child development specialists na hindi advisable sa mga bata na gumugol ng mahabang oras sa paggamit ng kanilang gadget dahil makakasama ito sa kanilang mata at hindi makakaintindi ng kanilang mga leksyon.

Facebook Comments