DepEd, nakipagsanib-pwersa sa Malaysia para sa pagpapalakas ng scholarship opportunities para sa mga Pilipino

Nakipagpulong si Education Secretary Sonny Angara kay Malaysian Ambassador Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino para sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Malaysia sa hanay ng edukasyon.

Kabilang dito ang pagpapalakas sa scholarship opportunities ng mga Pilipino sa nasabing bansa.

Sumentro din ang pulong sa pagpapalawak sa Madrasah Education Program, gayundin sa workforce development sa pamamagitan ng Technical and Vocational Education and Training (TVET).


Tampok din sa pulong ang Islamic education kung saan, binigyang diin ni Angara ang kahalagahan nito sa pagpapayabong ng kasanayan ng mga Pilipino sa ilalim ng Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) program.

Partikular aniyang mabebenipisyuhan nito ang mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong Madaris Schools partikular na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Facebook Comments