DepEd, nilinaw na wala silang pa-contest na laptops at cellphones ang premyo

497

Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko na mag-ingat sa mga kumakalat na pa-contest umano ng naturang kagawaran na libreng laptops at cellphones ang premyo.

Batay sa advisory ng DepEd na inilabas sa kanilang official Facebook account, ito ay isang scam o hindi totoo.

Paglilinaw ng DepEd na hindi sila namimigay ng “free Wi-Fi at gadgets” sa pamamagitan ng anumang online giveaway, raffle draw o contest.

Hinikayat ng DepEd ang publiko an i-report sa
action@deped.gov.ph, kung sakaling may nalaman silang ganitong scam at pananamantalang may kinalaman sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

Para sa mga opisyal na anunsyo at impormasyon, ayon sa DepEd, bisitahin ang official channels ng DepEd tulad:

• DepEd Philippines sa Facebook;
• Twitter: twitter.com/DepEd_PH;
• Instagram: instagram.com/depedphilippines;
• at ang website na www.deped.gov.ph.

Facebook Comments