Friday, May 8, 2026

DepEd, pinayagan ang mga private school na magkaroon ng maluwag na pagpapatupad ng klase kasunod ng pagtaas ng gastos sa kuryente

Pinayagan ng Department of Education (DepEd) ang mga private school na magkaroon ng mas maluwag na pagpapatupad ng klase at teacher training habang hinaharap ng mga paaralan ang pagtaas ng gastos sa kuryente dulot ng national energy emergency.

Sa isang memorandum, maaaring magpatuloy ang mga private school sa limang araw na face-to-face classes o magpatupad ng blended learning.

Ito’y upang makatulong sa pamamahala ng operational expenses habang natitiyak na tuloy ang pagkatuto ng mga estudyante.

Inilabas ang polisiya kasunod ng State of National Energy Emergency na idineklara sa ilalim ng Executive Order No. 110, s. 2026, na nagdulot ng pagtaas ng energy costs para sa mga institusyon, kabilang ang mga paaralan.

Ibig sabihin, hindi na kailangan ng prior approval kung lilipat sa blended learning ang isang private school, basta’t susundin ang itinakdang proseso at ipaaalam ito sa kani-kanilang Schools Division Office nang hindi bababa sa limang araw bago ipatupad.

Sa ilalim ng guidance para sa blended learning, pinapayuhan ang mga paaralan na limitahan ang mga remote class sa isang araw lamang kada linggo para sa Kinder hanggang Grade 6 upang mapangalagaan ang pagpapaunlad ng literacy at numeracy.

Ang blended learning ay kombinasyon ng face-to-face classroom instruction at remote learning, na maaaring isagawa nang synchronous o asynchronous, gamit man o hindi ang digital technology.

Facebook Comments