DEPED REGION 1, SINAGOT ANG ALEGASYON SA UMANO’Y BILYON BILYONG PONDO NA NAWAWALA SA GHOST STUDENTS NG VOUCHER PROGRAM

Mariing itinanggi ng Department of Education Region 1 ang umano’y bilyong-bilyong pondo na napupunta sa ‘Ghost Students” na kabilang sa Voucher Program mula sa dalawang pribadong paaralan sa Pangasinan.

Sa opisyal na pahayag ni DEPED Region 1 Regional Director Tolentino Aquino, walang katotohanan ang mabigat na paratang na ibinabato sa buong kagawaran na mula pa sa isang kasamahang guro upang sirain ang ilang opisyal at ibaba ang dignidad ng kagawaran.

Ayon sa kumakalat na issue, may mga hinihinalang ‘ghost students’ sa Kingsville Academy Umingan at Kingsville Advance System Tayug ang nakakatanggap ng tig P17,000 sa ilalim ng Voucher Program.

Dagdag pa sa alegasyon na umabot na sa P170 milyon ang nawawala dahil sa naturang sistema na nagsimula pa noong 2021 hanggang 2023.

Depensa ng opisyal na regular na nagsasagawa ng monitoring at beripikasyon ang kagawaran sa pribadong paaralan na kaisa sa natirang programa katuwang ang Private Education Assistance Committee.

Katunayan, sa isinagawang diskusyon ng iba’t-ibang ahensya ukol sa programa, dalawang paaralan ang inirekomenda upang maalis sa mga paaralan na nagpapatupad ng Voucher Program.

Tinitiyak ng kagawaran na mahusay at tapat ang pagpapatupad ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o GASTPE sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments