DepEd Sec. Leonor Briones, nagpositibo sa COVID-19

193

Nagpositibo sa COVID-19 si Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones.

Ayon kay Briones, April 8 nang ipinabatid sa kaniya ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na positibo ang resulta ng kaniyang COVID test.


Aniya, ito na ang kaniyang ikalawang test kung saan nagnegatibo ang una niyang pagsusuri noong March 13.

Pero noong April 2 ay muling nagpa-test si Briones matapos na isang miyembro ng gabinete ang nag-anunsyo na positibo ito sa sakit.

Bagaman naka-isolate, tiniyak ni Briones na patuloy siyang magtatrabaho at dadalo sa virtual meeting ng IATF at pangungunahan pa rin ang DepEd Execom at Mancom.

Nanawagan naman si Briones sa mga nagkaroon ng physical contact sa kaniya nitong nagdaang mga araw na magself-quarantine.

Facebook Comments