DepEd, siniguro na makikipagtulungan sila sa mga magulang at estudyante upang makasabay sa online class

76

Bago magsimula ang klase bukas, siniguro ng Department of Education (DepED) na tutulungan nito ang mga magulang at estudyante upang makasabay sa online class.

Ayon kay DepED Undersecretary for Legislative Liaison Office, External Partnerships Service and Project Management Service Tonisito Umali, hiling lang nila sa mga magulang na maging positibo, iwasan muna ang init ng ulo, tignan at pag-aralan ang new normal sa sistema ng edukasyon.

Dagdag pa ni Umali, hindi nila inoobliga ang mga magulang na maging titser ng kanilang mga anak pero kung kaya naman ay mas maigi at makakabuti pa rin sa mga bata lalo na nasa “early grade levels” pa ang mga ito.

Facebook Comments