DepEd, sinimulan na ang pagbabayad ng service recognition incentive

6475

Nagsimula na ngayong linggo ang Department of Education (DepEd) sa paglalabas ng downloaded funds para sa service recognition incentive (SRI) sa mga kwalipikadong empleyado.

Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, inaprubahan na ni Secretary Leonor Briones ang report at ang pagda-download ng SRI funds sa mga rehiyon.


Ang lahat ng regional finance officers ay inaatasan na i-download ang pondo sa School Division Offices para maipamahagi na ito sa mga eligible employees sa kanilang nasasakupan.

Dapat lamang aniya na bigyang pagkilala ang serbisyo ng mga teaching at non-teaching positions sa pamamagitan ng pagbibigay ng maximum SRI na maaaring ilaan ng DepEd.

Kinikilala rin ng DepEd ang serbisyo ng mga manggagawa lalo na sa paghahatid ng blended learning approach.

Sinabi rin ni Sevilla na mayroong nagpapatuloy na negosasyon sa oversight agencies para payagan ang DepEd na maabot ang allowable maximum rate na 10,000 SRI kada empleyado.




Facebook Comments