Sunday, July 12, 2026

DepEd, tiniyak ang pondo para sa mga gurong nagtu-tutor para sa remediation classes

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang mabilis na pagpapalabas ng pondo para sa mga gurong nagtu-tutor para sa remediation classes.

Sa harap ito ng learning gap sa Reading, Science, at Mathematics.

Sa ilalim ng remediation classes, ibibilang ang oras na ilalaan sa mga sesyong ito bilang bahagi ng teaching load ng mga guro sa public schools.

Ayon sa DepEd, ang mga guro naman na magsisilbing tutor tuwing weekdays ay maaaring makatanggap ng teaching overload pay, basta’t lalampas sila sa itinakdang anim na oras na aktwal na pagtuturo sa silid-aralan.

Tuwing katapusan naman ng linggo o weekends, opisyal na holiday, at panahon ng mahabang bakasyon, maaari ring makakuha ng Vacation Service Credits (VSCs) ang mga guro, kung saan ang isang oras ng serbisyo ay katumbas ng 1.5 oras ng VSC.

Facebook Comments