DepEd, tiniyak na ilalabas sa lalong madaling panahon ang official calendar para sa SY 2021-2022

32

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ilalabas sa lalong madaling panahon ang official school calendar para sa School Year (SY) 2021-2022.

Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, maglalabas sila ng Department Order (DO) hinggil dito.


Ang DO para sa official school calendar ay pipirmahan ni Education Secretary Leonor Briones.

Samantala, sinabi ng Public Service Affairs ng DepEd, ang school calendar ay ilalabas sa official Facebook page ng kagawaran at i-a-upload sa kanilang website.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 13, 2021 ang petsa ng pagbubukas ng klase para sa bagong school year.

Facebook Comments