DEPEKTIBONG MOTOR | Tren ng MRT3, nagka-aberya sa Magallanes station

Manila, Philippines – Muli na namang naudlot ang biyahe ng isang tren ng
Metro Rail Transit Line 3 o MRT3 dahil sa depektibong motor.

Sa advisory ng MRT3 management, bandang 6:01 kanina nang ibaba ang nasa 230 na pasahero sa Magallanes station na biyaheng Northbound.

Isinisi sa lumang electrical sub-components tulad ng insulator, regulator ng motor ng tren ang aberya.


Agad na dinala sa MRT 3 depot ang nagka aberyang tren habang nailipat agad sa sumunod na tren ang mga pasahero pagkalipas ng pitong minuto.

Facebook Comments