DEPEKTIBONG TIMBANGAN SA INFANTA MARKET, KINUMPISKA

INFANTA, PANGASINAN – Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang Office of Market and Slaughterhouse sa bayan ng Infanta.

Ito ay bilang tugon sa umano’y hinaing ng mga kababayan sa madayang mga timbangan sa palengke.

Pinangunahan ang naturang inspeksyon ni Market Officer, Joselito Soriano, katuwang ang Municipal Treasurer’s Office Municipal Treasurer, Arlene Mores, sa Infanta Public Market.


Tinatayang nasa limang timbangan ang nakumpiska mula sa gulayan, karnehan, at isdaan.
Pinaalalahanan naman ng awtoridad ang bawat negosyante na maging tapat sa mga mamimili lalo na raw sa panahong ito kung saan ang bawat isa ay dapat magtulungan.

Facebook Comments