Depensa ni dating Budget Secretary Butch Abad sa pagkakadawit sa ₱10.6 billon anomaly sa PhilHealth, hindi sinakyan ni Senator Gordon

466

Hindi kumbinsido si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon sa naging depensa ni dating Budget Secretary Butch Abad laban sa kanila nina dating Health Secretary Janet Garin at dating PhilHealth president at CEO Alexander Padilla.

Kaugnay ito sa rekomendasyon ng Senado na sampahan ng kaso ang tatlong dating opisyal dahil sa pag-divert umano ng ₱10.6 bilyon na pondo ng PhilHealth na ginamit sa ibang mga programa.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Gordon na bagama’t iniutos noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino na huwag galawin ang pondong nakalaan ng dalawang taon para sa mga senior citizen na miyembro ng PhilHealth ay pinakialaman pa rin nila ito.

Ayon pa sa senador, ginamit nila ang pondo sa ibang programa kagaya ng pagpapatayo ng nasa 3,200 na barangay health stations at rural health units pero lumabas na 426 lamang dito ang nakumpleto.

Facebook Comments