Saturday, August 15, 2026

Depensa, umalma sa pahayag ni House Prosecutor Atty. Lorna Kapunan na “scam” ang paggasta ng confidential funds ng DepEd at OVP

“To call it a scam is really a mischaracterization.”

Ito ang inihayag ni defense counsel Atty. Michael Poa nang tanungin ito patungkol sa pagtawag na “scam“ ni Atty. Lorna Kapunan sa paggasta sa confidential funds ng Department of Education (DepEd) at Office of the Vice President (OVP) sa nagaganap na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Nabatid na inalmahan ito ni Poa sa kasagsagan ng trial kung saan pinaalis ito ng nasabing defense counsel sa record na agad din namang pinatanggal ni presiding officer Chiz Escudero.

Ayon kay Poa, hindi tama na tawaging “scam” ang usapin habang Audit Observation Memorandum (AOM) pa lamang ang tinatalakay sa impeachment trial.

Ayon kay Poa, alam niya ang gustong mangyari ni Kapunan at bilang abogado ay normal lang naman iyon.

Aniya, nilapitan nya rin naman si Kapunan patungkol dito at sinabing malaki ang respeto niya rito.

Facebook Comments