DEPLOYMENT BAN | Philippine Airlines, sususpindehin ang ilan nitong flights patungo at pabalik ng Kuwait

Manila, Philippines – Sususpindehin ng Philippine Airlines (PAL) ang ilan nilang flights patungo o galing Kuwait.

Sa statement ng PAL, ipatutupad nila ang suspensyon dahil humina ang biyahe kasunod na rin ng deployment ban ng OFW sa nasabing bansa.

Epektibo sa May 16, 2018, pansamantalang hindi ba-biyahe ang flight PR2668 (Manila to Kuwait) at PR2669 (Kuwait to Manila)


Pero nilinaw ng PAL na mananatili ang ilang flights pa-Kuwait bilang pagbibigay serbisyo sa mga Pilipinong patuloy na nagtatrabaho sa Middle East.

Kabilang sa mga tinutukoy na flight operations ay patungong Dubai, Abu Dhabi, Doha, Riyadh, Jeddah at Dammam.

Ang mga pasaherong may flight patungong Kuwait simula sa May 16 ay maaring i-refund o rebook ang kanilang tickets bago ang nasabing petsa.

Maari ring ipa-reroute ang kanilang biyaheng Manila-Kuwait sa iba pang nabanggit na flight operations o connecting flight pa-Kuwait hatid ng ibang airlines.

Facebook Comments