
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may deployment talaga ng mga marines sa Senado bilang parte ng kanilang routine security.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bukod sa Senado ay may dini-deploy silang marines sa Malacañang at kahit sa rebulto ni Jose Rizal.
Layon ng nasabing deployment na magbigay ng perimeter security sa nasabing mga lugar bilang parte ng matagal na nitong protocol kung saan hindi sila pumapasok ng loob ng Senado o kahit sa Malacañang.
Nilinaw ng AFP na ang nasabing deployment ng kanilang mga tauhan ay hindi bahagi ng ICC arrest ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Gayunpaman ay maari itong ma-adjust sa case-to-case basis sakaling kailangan ng tulong nila.
Facebook Comments










