Deportation policies ng BI, hiniling ng isang senador na silipin

Inirekomenda ni Senator Joel Villanueva na silipin ang deportation policies ng Bureau of Immigration (BI).

Ito’y matapos lumabas sa pagdinig ng Senado na wala pa ring impormasyon ang BI tungkol sa naging pagtakas ni Alice Guo at hinayaan ang tatlo sa mga Chinese Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) boss na bumili ng sariling plane ticket na may layover na flight dahilan kaya hindi nakarating sa China ang mga ito.

Ayon kay Villanueva, dapat na masilip ang polisiya sa deportation process ng BI upang hindi na muling matakasan ng mga pugante o kriminal.

Nababahala ang senador na kung nangyari ito ay hindi malabong makabalik sa bansa ang mga Chinese POGO boss.

Iginiit ni Villanueva ang pagpapanagot sa BI na siyang responsable rito dahil hindi naman mangyayari ang pagtakas ng mga nasa POGO kung ginagawa lamang ng ahensya ng tama ang kanilang trabaho.

Facebook Comments