DEPRESSION | Original Lois Lane ng 1978 Superman, depression ang ikinasawi ayon sa mga imbestigador

20

Hollywood – Tatlong buwan matapos ang pagpanaw ng original Lois Lane (1978 Superman) na si Margot Kidder, sinabi ngayon ng mga imbestigador na posibleng kinitil ng aktres ang sarili nitong buhay.

May 13 ngayong taon, sa edad na 69, nang pumanaw si Kidder, ngunit blangko ang mga fans sa sanhi ng pagkamatay nito, dahil hindi rin naglabas ng pahayag ang agent nito at ang funeral home na nagasikaso sa labi ng aktres kaugnay sa tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

Sa isang pahayag, hinihikayat ng pamilya ni Kidder ang mga nakararanas ng mental illness, addiction or suicidal thoughts na humingi ng tulong, treatment o counseling.

Matatandaang, noong 1996 nang mabalita na nakaranas ng mental breakdown ang aktres.

Matapos ma-diagnose na mayroong bipolar disorder si Kidder ay naging activist na ito sa pagsusulong ng awareness sa mental health issues.

Facebook Comments