Dept. of Agriculture, binalaan ang mga poultry owners na magpupuslit ng mga manok palabas ng Pampanga

Nagbabala si Department of Agriculture (DA ) Secretary Manny Piñol sa mga poultry owners na huwag nang magbalak magpuslit ng mga manok kasabay ng bird flu outbreak sa Pampanga.
Sa dalawang daang libong manok na papatayin, ito ay magmumula sa one-kilometer quarantine radius sa San Luis kung saan anim na poultry farms ang apektado ng Avian Influenza subtype H5.
Ayon kay Piñol posibleng gawin ito ng mga poultry owners dahil sa milyong pisong kita na mawawala sa kita nila.
Sa interview ng RMN Manila kay Sec. Piñol, hindi makakalusot sa kanila ang mga magpupuslit ng mga manok dahil mayroon silang mga personnel na nakaantabay sa lugar.
Nagpa-alala pa ang kalihim na mas malaki ang mawawala sa exportation ng buong bansa kapag hindi nakipagtulungan ang mga farm owners na ma-resolba ang problema ng bird flu.

Facebook Comments