Dept. of Agriculture, hihingi ng kapangyarihan kay Pangulong Duterte upang makontrol ang imported rice sa bansa

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na hingin ang pahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapayagan ang ahensya na magkaroon ng kontrol sa mga imported na bigas.

Kasunod na rin ito ng mga kumakalat na balita sa social media kaugnay sa pekeng bigas o plastic rice.

Ayon kay Piñol – may kapangyarihan ang DA sa pag-isyu ng sanitary certification sa mga ibinebentang bigas pero hindi nila ito nagagamit sa mga imported rice.


Aniya, kung mabibigyang go signal siya ng pangulo.
Hihilingin nila sa National Food Authority na mapayagan ang kanilang inspectors na suriin ang mga imported na bigas mula Thailand o Vietnam.

Tiniyak naman ni Piñol na iimbestigahan ng DA ang mga balita hinggil sa nabibiling pekeng bigas.

Sa ngayon, wala pa aniyang pormal na reklamo na natatanggap ang kagarawan o ang NFA kaugnay dito.

Facebook Comments