Dept. of Agriculture, pinapa-ban ang ilang pork products mula Europa at Asya

90

Pinapa-ban ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagpasok sa bansa ng mga karne ng baboy at iba pang mga pork product mula sa ilang bansa sa Europe at Asia.

Partikular dito ang mga karne at produkto mula sa Belgium, China, Poland, Hungary, Romania, Ukraine at Russia.

Kasabay nito, hinigpitan ng Bureau of Animal Industry ang pagpasok ng mga karne na posibleng kontaminado ng African swine fever.

Ang nasabing sakit ay nakakahawa at nakakamatay na nakaka-apekto sa mga baboy.

Maaari rin itong mag-mutate at makaapekto sa kalusugan ng tao.

Facebook Comments