Dept. Of Justice, Pinag-Aaralan Na Maging State Witness Ang Drug Lord Na Si Kerwin Espinosa Laban Kay Sen. Leila De Lima

3

MANILA – Malaki ang tyansang kunin ding testigo ng Dept. of Justice (DOJ) si Kerwin Espinosa laban kay Sen. Leila De Lima.Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, lumalabas na malapit (close) sa isa’t isa sina Kerwin at De Lima.Base na rin aniya ito sa testimonya ng ilang pulis na naghain ng reklamo laban kay De Lima, kamakailan.Una na ring lumutang ang larawan ni De Lima kung saan kasama nito si Espinosa.Pero dati na ring itinanggi ng Senadora na kilala niya ang mga Espinosa.Sabi naman ni Aguirre, kaya nilang patunayan na higit pa sa nakitang larawan ang ugnayan ng dalawa.Pero sa kabila ng mga ito, aminado naman si Aguirre na ito pa lang ang hawak nilang ebidensya sa ngayon.Nabatid na bukas (open) din ang DOJ, na bigyan ng immunity ang big time drug lord ng Eastern Visayas pero pag-aaralan pa muna nila ito.

Facebook Comments